Umaarangkada ang karera ni Daisy Lopez aka “Madam Inutz” at pinasok na rin ang music industry kasunod ng debut single nitong "Inutil" na ni-release nitong Huwebes, Setyembre 23.

“Walang nagmamahal. Kailangan ng panchicha. Hanapan niyo na rin ako ng jowa. Lintik kayo. Tambay kayo nang tambay sa live ko. Mga inutil! Oh jivha!”

Ganito sinimulan ni Madam Inutz ang kanyang kauna-unahang kanta na tinawag na “Inutil,” isang kwento na umiikot sa isang one-sided love story.

Humuhugot si Madam Inutz?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa tema ng kanta, aakalain mong power ballad o hindi kaya’y Moira dela Torre ang atake ng sikat na online personality.

Worry no more because Madam Inutz is buying no drama.

Fast beat novelty song na magpapaindak sa sambayan ang naging debut ni Madam Inutz sa Philippine music industry.

Ang kantang “Inutil” bagaman tungkol sa isang hindi nasukliang pag-ibig, ay positibo pa ring inaangat ang team sawi.

“Tingin mo sa akin ay babaeng mumurahin. Kung marupok at mahina madaling malasing.”

Sa punto de vista ng kanta, hindi ito tumutok sa pagmumukmok ng isang taong hindi pinili bagkus malayang inihayag ang pagtanggap sa katotohanang inutil ang taong kanyang minahal.

Kapansin-pansin naman ang level-up production ni Madam Inutz sa music video nito sa Youtube.

High-fashioned agad ang bugad ni Madam Inutz sa music video sa kanyang limang beses na outfit change.

Aprub naman sa followers ng online personality ang “Inutil.”

“This mv is too good. I'm addicted, and the chorus was so catchy,” komento ng isang follower.

“The beat is very now, and Madam really showed her talent here in all aspects.”

Isang follower naman ang kinumpara ang MV ng inutil sa Kpop production level.

“All I can say is this MV really hit different, it looks like I'm watching a KPOP mv! The concept, song, and all especially Madam Inutz are definitely perfect, all matched! Big salute and applause to everyone who work on it, to the production team and all! You guys amazed me that Filipino can also do this kind of cutie, sexy and perfect MV!”

Sumikat si Madam Inutz matapos ang kanyang viral online-selling video. Sa ngayon, nasa pangangalaga ni Wilbert Tolentino ang sikat na online personality turned recording artist.

Kasalukuyang nasa 413,000 na ang views ng music video ng "Inutil" sa Youtube.