Hindi na mapipigilan pa ang nalalapit na kasal umano ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, matapos na makapamanhikan ang pamilya ng Kapuso actor sa pamilya ng sexy actress, na naganap sa Siargao.

Larawan mula sa IG/@ellen_adarna2021

Sa katunayan, nagpamahagi umano ng mga wedding invitation ang couple sa kani-kanilang mga magiging ninong at ninang sa kasal. Makikita sa Instagram fan page na ellen_adarna2021, ang larawan ng invitation card na may nakasulat na 'Save the date' at 'Derek & Ellen.'

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isang video naman ang kumalat at makikitang sinasabi ni Ellen ang mga pahayag na “Sending out for our ninongs and ninangs" habang ipinakikita ang mga bulaklak na nasa mesa kung saan nakalapag ang kanilang wedding invitation.

Larawan mula sa IG/@ellen_adarna2021

Larawan mula sa IG/@ellen_adarna2021

Samantala, hindi pa malinaw kung kailan at saan gaganapin ang kasal, at kung sino-sino ang mga magiging ninong at ninang, at iba pang mga imbitadong kaanak o celebrity friends.

Matatandaang umamin sa kanilang relasyon ang dalawa nitong Pebrero 2021, at na-engage sila isang buwan matapos ang kanilang anunsyo.