Nilinaw ng 'It's Showtime' host na si Kim Chiu ang kaniyang panig, hinggil sa nag-trending na palitan nila ng usapan ni Vice Ganda hinggil sa cheating, habang sila ay nagho-host ng show.

"Kuys, isingit ko lang 'to, noong isang araw kasi, hindi ako nabigyan ng chance to explain further yung sinabi ko, and gusto ko lang pong ipaliwanag sa lahat na hindi po ako pabor sa cheating," ani Kim Chiu bago ang commercial break ng segment na Reina ng Tahanan sa 'It's Showtime.'

LOOK: Emotional Kim Chiu says she wasn't accepted fully on 'It's Showtime'  – Manila Bulletin
Kim Chiu (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hinding-hindi umano siya magiging pabor sa cheating dahil naging biktima rin umano siya nito. It's not easy raw at very painful. Isang mahabang usapin daw ang cheating at hindi matatapos kaagad sa isang upuan lamang.

"I am Kim Chiu, and I am not in favor of cheating, and I will never be in favor of that," giit ni Kim Chiu, at nag-hi pa ito sa kaniyang boyfriend na si Xian Lim, na nasa kabilang estasyon na.

"Love, love, love, respect, respect, respect, let us spread love and happiness," pahabol pa na mensahe ni Kim sa Madlang Pipol.