Hindi pinalagpas ng mga netizens ang ginawa ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith matapos nitong i-post sa Instagram stories ang pagkadismaya niya sa delivery rider na naghatid ng kaniyang biniling pagkain.

Sa kaniyang buradong Instagram Stories nitong Setyembre 17, ipinost ng aktres ang screenshot ng litrato ng rider at nilagyan ng caption na, “Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won't answer texts or calls.”

Jasmine Curtis-Smith (Larawan mula sa Manila Bulletin)

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Saad ng isangn netizen, "Hmmm, sana di na i-post, i know di mo nakuha yung food mo pero puwede naman i-report sa app. What if nagkaproblema lang. Nai-post at napahiya na si kuya, siguro naman di ganun kabawasan yung halaga nawala sa 'yo. Pero yung kahihiyan ng tao if di naman sadya ang nangyari di na maibalik #justsaying.”

"Did you just simply take down your post when your ‘stolen’ food arrived? No public apology, for public shaming him just because you can?" wika naman ng isa.

Sita naman ng isa, "Ay iba… huwag na sanang i-post, report na lang. Kawawa naman yung naghahanapbuhay na delivery rider."

Agad namang tumugon si Jasmine at nagpaliwanag kung bakit tinanggal na niya ang post niya hinggil dito. Naibalik na umano ang kaniyang pera, at hindi naman daw ito ang concern niya. Pinasalamatan naman niya ang mga netizens na sumita sa kaniya, at ipinangako niyang hindi na nito mauulit.

“Hi, I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app, and via twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time", aniya.

This service tops Philippines' food delivery business – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

Matatandaang nanawagan si Kapuso actress Aiko Melendez sa publiko na maging mabait pa rin ang pagtrato sa mga delivery riders, kahit na hindi sila satisfied sa serbisyo nito.

“Sa dami ng walang trabaho ngayon wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaaring maglagay sa tao na mawalan siya ng pinagkakakitaan," aniya.

"Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan,” huling hirit pa ni Aiko gamit ang hashtag na #AikoLangNamanYan.

Si Jasmine Curtis Smith ay kasama nina Alden Richards at Tom Rodriguez sa seryeng 'The World Between Us' ng GMA Network. Siya ang nakababatang kapatid ni Kapamilya star Anne Curtis.