Napa-wow ang mga kaibigang celebrities at mga netizens sa 'bagong Angel Locsin' matapos nitong ibahagi sa Instagram post ang malaking nabawas sa kaniyang timbang, resulta ng 800-calorie diet.

Ayon sa caption ng kaniyang Instagram post, "Remember to love every inch of you."

Larawan mula sa IG/Angel Locsin

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa serye ng kaniyang mga Instagram Stories noong Hunyo 8, ibinahagi ng 36 anyos na aktres na siya ay sasailalim sa 800-calorie meal plan.

"After so many years, I've finally decided to go back," aniya hinggil sa 800-calorie diet.

Ilan sa mga celebrity friends na nagbigay ng komento sa kaniya ay sina Angelica Panganiban, Dimples Romana, Raymond Gutierrez, Maricar Reyes-Poon, Zsa Zsa Padilla, Tim Yap, at Anne Curtis. Maging ang batikang broadcaster na si Karen Davila ay napabilib din.

Syempre, kinatuwaan din ng mga netizens ang komento ng mister nito na si Neil Arce.

"On my way," aniya.

Hindi binanggit ni Angel kung ilang araw ang itatagal ng kaniyang diet at kung kailan kaagad makikita ang resulta, subalit batay sa website ng health clinic na nagbigay nito sa kaniya, ito ay "chef-curated and nutritionist-approved."

Matatandaang nagsimulang lumobo si Angel dahil sa mga gamot na kaniyang iniinom, kaugnay ng kaniyang problema sa spine. Ito ang naging dahilan upang mapalitan siya bilang 'Darna' ni Liza Soberano, na napalitan din at naipasa ang bato kay Jane De Leon.