Handang-handa na umano si Kisses Delavin sa 'duties and responsibilities' ng Miss Universe Philippines 2021, kung sakaling papalarin na masungkit niya ang korona.

Palagay niya ay deserve niyang maiuwi ang korona, pag-amin niya kay Boy Abunda, sa vlog kung saan kinapanayam siya nito.

Hindi umano naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan upang makapasok lamang sa Top 30, na napagtagumpayan naman niya.

“In the training kasi they want you to think about your life story, what you want to share, which version of you. And what really stood out to me is that I’m a miracle baby,” pahayag ni Kisses.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kisses Delavin's childhood photo in cute swimsuit – Manila Bulletin
Kisses Delavin (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Walang kiyeme niyang sinabi na naniniwala siyang deserving siyang manalo, kahit na mahigpit ang labanan sa pagitan nila ng mga kandidata.

“I think I deserve the crown because I have been preparing for this my whole life. The world has prepared me for this. The experiences that have been given to me, the love. Because I am able to give so much love because I have received that love from my mom and dad,” saad ni Kisses.

Magaganap sa Setyembre 25, 2021 ang Miss Universe Philippines 2021 coronation night. Kung sino ang papalaring manalo ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel sa Disyembre.