Kumakalat ngayon sa social media ang pagkakamali ni Kim Chiu sa nakaraang grand finals ng "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" noong Sabado, Setyembre 18.

Nagkamali si Kim sa isang Bible verse na nabanggit na "Psalm 3:16" habang nakikipag-banter kay Vice Ganda at sa isang contestant na nagngangalang Psalm Manalo.

Sa banter nina Vice at Kim ay makikitang na-curious ang dalawa sa pangalan ng contestant na ni Psalm.Ani Kim dito, "Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible."Ganti ni Vice, "Psalmo, Psalmo," o Psalm sa English Bible.

Patuloy naman ni Kim, "Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, di ba?"Sinagot na lang ito ni Vice ng "Yes."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami ang pumuna kay Kim dahil hindi sa libro ng Psalm mababasa ang Bible verse na nabanggit, kundi sa John 3:16

Ang kabuuan ng John 3:16 sa King James version ng Bible ay: "For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, that whosoever believeth in Him should not perish, but have everlasting life."

Wala rin namang Psalm 3:16 dahil walong verses lang ang meron sa Chapter 3 ng book of Psalms.

Marami rin ang nag-upload ng nasabing video ni Kim sa Tiktok at Facebook.

Ador Saluta