Hindi makapaniwala ang talentadong aktor na si Iñigo Pascual na nakapasa siya sa audition para mapabilang sa Hollywood musical series na 'Monarch' (Fox), kung saan gagampanan niya ang papel bilang isang aspiring country singer mula sa Pilipinas. Makakasama niya rito ang Hollywood actress na si Susan Sarandon, na kamakailan nga ay nakasama na niya sa isang selfie.

Susan Sarandon at Iñigo Pascual (Larawan mula sa IG)

Kasalukuyan nang nasa Atlanta, Georgia ang anak ni Piolo Pascual para sa shooting ng naturang Hollywood musical series.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“It’s crazy. Honestly, hindi pa rin ako makapaniwala. Every time someone congratulates me about it, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na it’s happening. It all happened so fast ever since I did the audition", aniya sa panayam ng ABS-CBN.

Bagama't hindi naman bagito sa showbiz, iba pa rin umano ang pakiramdam kapag nasa harapan na siya ng mga producers, direktor, at co-stars.

"Nakaka-intimidate, pero ‘pag nakausap mo sila and to hear that they are all excited to be on this project, nae-excite ka rin and the more you want to do your best… I’m really excited about is, 'yung musical producer namin was the musical producer of ‘Glee’ and that’s what I am most excited about."

Dagdag pa niya, "Sobra rin akong nakaka-relate sa character ko, in many ways, and I can’t wait for everyone to see this. Sobrang ang daming parallel sa buhay ko du’n sa character ko."

Ibinahagi niya sa social media ang selfie nila ng veteran Hollywood star na si Susan Sarandon, na makakasama niya sa nasabing proyekto.

"She’s honestly so sweet. I had this talk with her on my birthday. I celebrated my birthday on the set and I told her all I want for my birthday is a picture with you," bida ni Iñigo.

"Sabi niya, ‘You’re so sweet.’ Tapos we had this conversation for 20 minutes and grabe sobrang down to earth na tao,” dagdag pa niya.

Iñigo Pascual (Larawan mula sa IG)

Kaya naman kahit mag-isa lamang na nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa Amerika nitong Setyembre 14, sulit na sulit naman dahil isang malaking regalo na ito para sa kaniya.