Napag-usapan sa showbiz vlog ni Ogie Diaz kasama sina Tita Jegs at guest co-host na si 'Tita Krissy' (impersonator ni Kris Aquino) na naka-follow na ulit si Monshie Karla Estrada sa Instagram account ni Bea Alonzo. Kamakailan lamang ay napabalita ang pag-unfollow umano ng ina ni Daniel Padilla sa magjowang Bea at Dominic Roque, na iniuugnay naman sa hindi pa kumpirmadong alitan sa pagitan ng magkaibigang Daniel at Dominic.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/16/karla-estrada-inunfollow-sa-instagram-ang-magjowang-bea-at-dominic/

At ayon sa latest chika, kung kay Bea ay naka-follow na ulit si Momshie Karla, wititit pa rin kay Dominic. At parang may pinatatamaan umano ang tv host-actress sa kaniyang Instagram post nitong Setyembre 19, 2021.

"BE KIND TO THOSE UNKIND, THEY NEED IT MOST," ayon sa caption, kalakip ang larawan ni Karla na may hiwalay pang caption na 'You can't compete with me because I want you to win too' na may heart emoji.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Larawan mula sa IG/Karla Estrada

Palagay ni Tita Krissy ay may pinariringgan si Momshie Karla sa kaniyang cryptic message.

Ayon naman kay Ogie, baka wala naman talaga siyang pinatatamaan, mahilig lang talaga si Karla sa mga ganoong cryptic message.