Inalmahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kumalat sa social media na insidente ng umano'y pagnanakaw sa isang jewelry store sa nasabing lungsod, kamakailan.

Aniya, hindi sa lungsod ang nangyaring insidente at ito ay nangyari sa Serramonte Mall sa Daly City sa California, nitong Setyembre 15 kung saan apat na lalaki ang suspek na naaresto na rin ng pulisya.

Iniimbestigahan na aniya ng pulisya ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon. Nagbanta rin ang alkalde na mahaharapsa kaukulang kaso ang sinumang nasa likod nito.

“The false attribution of this crime to San Juan City is already under investigation by our San Juan City Police. Should malicious intent be proven, we will prosecute those responsible to the full extent of the law, as this puts the City of San Juan in a bad light and disregards the hard work of the local government and the police in maintaining peace and order in the city amidst the COVID-19 pandemic," pagdidiin nito.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patrick Garcia