LOS BAÑOS, LAGUNA –Inanunsyo ni Mayor Antonio L. Kalaw nitong Lunes, Setyembre 20, na nagpositibo siya sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa pahayag na isinapubliko sa official Facebook page ng municipal government, sinabi ni Mayor Kalaw na pansamantalang nakasara ang kaniyang opisina habang naka-quarantine ang kaniyang mga staff at ilang nakasalamuhang indibidwal.

Municipal Government of Los Baños / Facebook / MANILA BULLETIN

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Bagaman walang nararamdamang sintomas sa ngayon, agad na itinalaga ni Kalaw si Vice Mayor Josephine Sumangil bilang officer-in-charge ng munisipyo habang naka-quarantine siya mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 2.

Muling pinaalalahanan ng alkade ang kanyang nasasakupan na maging maingat at sumunod sa minimum health protocols upang maiwasan ang virus.

Carla Bauto Deña