Isa ang laptop sa mga in-demand na gadget ngayon para sa pagsasagawa o pagdalo sa online class, kaya malaking kaginhawaan sa mga guro at mag-aaral na magkaroon nito. Subalit paano kung walang laptop? Paano kung walang pambili ng laptop?

Iyan ang pinagsumikapang masolusyunan ng isang gurong si Melanie Reyes Figueroa, 53, mula sa Iligan City, Lanao Del Norte, at nagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan sa Grade 10, sa Hinaplanon National High School. Naging viral ang kaniyang Facebook post kung saan binigyan niya ng sariling laptop ang isa sa mga mag-aaral niya na nagngangalang 'Chrisken' upang magamit nito sa online class.

"Every great dream begins with a dreamer, " panimula ni Ma'am Melanie sa kaniyang FB post, na mula kay Harriet Tubman na isang political abolitionist at aktibista.

Overwhelmed umano ang kaniyang mag-aaral sa biyayang natamo niya mula sa kaniyang maestra.

Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

"A dreamer whose dream is about to begin. In behalf ni Chrisken, na until now na overwhelmed pa, maraming salamat sa mga donors sa kaniyang new laptop (Acer), my 3 high school batchmates na hindi nagpa-mention," pasasalamat ni Ma'am Melanie.

Larawan mula sa FB/Melanie Reyes Figueroa

May be an image of outdoors
Larawan mula sa FB/Melanie Reyes Figueroa

May be an image of 1 person, outdoors and tree
Larawan mula sa FB/Melanie Reyes Figueroa

May be an image of 1 person, outdoors and tree
Larawan mula sa FB/Melanie Reyes Figueroa

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/Melanie Reyes Figueroa

Sa panayam ng Balita Online kay Ma'am Melanie, pangatlong mag-aaral na pala si Chrisken na nabigyan niya ng laptop subalit ito ang nag-viral. Nakaka-lima na umano siyang mag-aaral na nabibigyan ng bagong laptop.

"Actually po iyong kay Chisken pang-third na po iyon. Ànd as of this moment nasa fifth na po tayo ng laptop," ani Ma'am Melanie, "Kaya naman inulan po talaga ng tulong si Chrisken."

Ang mga nakatanggap ng laptop ay mga honor students na cellphone lamang ang gamit, at wala pang kakayanang bumili ng bagong laptop.

"Sir naisipan ko po 'yan dahil ito pong mga binigyan ko ng mga laptop, mga honor students po namin and di po nila afford bumili ng laptop. Just imagine cellphone lang ang gamit sa online class samantalang iyong mga kaklase nila nakalaptop, paano po sila makikipagsabayan nang patas. Kawawa naman po," aniya.

Mapalad umano si Ma'am Melanie dahil may mga kaibigan siya, personal man o sa social media, na agad na nagpapadala at nagpapaabot ng tulong sa tuwing nananawagan siya sa kaniyang Facebook account.

"At ang funds po ay nagmumula sa mga friends ko po sa Facebook. Nagpapadala po kaagad sila everytime may post ako."

Tinawag niya ang kaniyang proyekto na 'Laptop para sa Pangarap.'

Bukod sa pagbibigay ng laptop, tuwing Pasko umano ay nakasanayan na niyang i-grant ang Christmas wish ng isa o mga mapipiling mag-aaral.

"Mayroon po akong Christmas wish na nagga-grant po ng wish ng student every Christmas," pagbabahagi pa niya.

May mensahe naman siya sa mga kapwa-guro at mag-aaral ngayong nahaharap pa rin ang sektor ng edukasyon sa epekto ng pandemya sa bansa, lalo't wala pang kasiguraduhan kung makakabalik na ba sa face-to-face ang mga klase.

"Para sa mga kapwa ko guro, alam kong mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan nating lahat, pero kailangan nating yakapin ang anumang meron tayo ngayon. Kung dati, ginagawa natin nang buong husay ang mga trabaho natin noong wala pang pandemya, ngayon pa kaya na mas kailangan tayo?" mensahe niya para sa mga kabarong guro, lalo't ipinagdiriwang ang National Teachers' Month.

"Hindi lamang po tayo dapat nakapokus sa ating mga gawain kundi isipin din po natin ang mga mag-aaral. Sa panahon ngayon, hindi lamang natin dapat isipin ang mga sarili natin, kailangan din pong alamin ang sitwasyon nila."

At mensahe naman niya para sa mga mag-aaral.

"Mas lalo ninyong pagbutihan ang pag-aaral dahil hindi lamang mga guro ang nagsasakripisyo ngayon, kundi maging ang mga magulang na tumatayong partner ng paaralan."

Dennis Balagbis (Larawan mula sa FB/Melanie Figueroa)

Saludo po kami sa inyo, Ma'am Melanie!