Hindi na nga tinigilan ng veteran showbiz host at columnist na si Cristy Fermin si Jinkee Pacquaio matapos ang muling komento nito sa umano’y retokadang mukha ng asawa ng senador dahilan umano para mapansin ng ilang netizens ang pagkakahawig kay Kristine Hermosa sa isang magazine cover.

Sa episode ng Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Setyembre 15, diretsahan nitong nagbitaw ng maaanghang na komento patungkol kay Jinkee.

“Siguro naman ay hindi ‘yon sinadya ni Aling Jinkee. Dahil kahit ano naman siguro ang gawin niya, isubsob pa niya sa ulo niya mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa,”walang kiyemeng sabi ng veteran host.

Dagdag niya, “Dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon, ‘di ba? Eh si Jinkee alam naman natin kung ano pinagdaanan ng kanyang kagandahang pinanghahawakan ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo.”

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Kasunod na binalikan ni Cristy nang nakapanayam nito si Jinkee dati. Aniya, “kakapasalamat doctor pa lang” noon ni Jinkee at kapansin-pansin ang naging pagbabago ng itsura nito.

“Nakakapanibago kasi nandun ‘yung kakambal niya eh, siyempre magkokompara ka. ‘Di ba nung makilala mo sila magkamukhang magkamukha sila. Ngayon, lutang na lutang na ‘yung ibang ganda ni Jinkee. Kasi nga dumaan na kasi siya sa maraming retoke or enhancement,” diretsahang salaysay ni Christy.

Nauna nang maitampok ang misis ng People’s Champ sa isang magazine nitong linggo kung saan ilang netizens ang nakapansing kahawig ni Jinkee sa cover ang aktres na si Kristine Hermosa.

“Hindi naman siguro niya sinasadya na maging kamukha siya ni Kristine Hermosa. Hindi niya talaga magiging kamukha ang isang taong walang opera. Magkakaiba talaga. So ngayon, itong si Jinkee ‘di ba nagpabago na nga siya ng kung anu-anong bahagi ng mukha niya pati katawan niya di ba? Napansin lang ‘yun dahil sa cover niya,” patuloy na tirada ni Cristy.

Samantala, teorya ng kasamang host ni Cristy sa programa, maaaring Kristine Hermosa nga ang naging peg ng make-up artist sa partikular na pagtatampok kay Jinkee sa isang magazine.

Agad namang binara ito ni Cristy,

“Ang ganda ganda ni Kristine Hermosa lalo na kapag walang makeup. Sobra… nasubaybayan namin yan sa Star Magic di ba? Lagi namin siyang nakikita so alam namin na walang binago, walang in-enhance sa kanya.”

Hindi pa rito nagtapos ang veteran host.

“Si Jinkee nga ang tapang tapang ng mukha eh, mukha siyang maldita… kapag ngumingiti siya, talagang matapang talagang very strong ang kanyang itsura, kahit hindi strong, charot.”

Inulan naman ng batikos ang beteranang kolumnista na ang depensa’y “nagpakatotoo lang naman."

"Nagpakatotoo lang naman po ang tao. Wala pong krimen dun," ani Cristy.

"Ang krimen po ay yung nagpagawa pero ide-deny," dagdag nito.

Matatandaang isa sa mga bumatikos kay Jinkee si Crity sa umano’y paghahayag nito ng marangyang buhay sa social media.

Nitong Biyernes, Setyembre 17, sa parehong programa ay nagbigay ng payo ang host sa mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao sa kanilang presentasyon online.

“Ilalapit niyo sa publiko ang mag-asawa. Hindi niyo lalagyan ng pader sa pagitan ng publiko at ng mag-asawa. Lalo na ngayon, nalalapit na ang eleksyon.”

“Sabi nga ni Atty. Bruce Rivera, simple, modest life, ang gustong makita sa inyo ng publiko.”