Mukhang maganda umano ang on-screen chemistry nina Heaven Peralejo at Gino Roque na magkatambal para sa romantic comedy series na 'Pasabuy' na eere a WeTV.

Maraming netizens umano ang kinilig nang makita silang dalawa sa IG live para sa promotion ng kanilang pagtatambalang rom-com series. Parehong produkto sa reality show na “Pinoy Big Brother” o PBB subalit magkaiba ng batch. Si Heaven ay pumasok bilang teen housemate sa PBB: Lucky 7 noong 2016 at si Gino naman ay bilang adult housemate sa PBB Otso noong 2018.

Heaven Peralejo replaces Barbie Imperial opposite Gino Roque in WeTV's new  series 'Pasabuy' – Manila Bulletin
Heaven Peralejo at Gino Roque (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagama't wala pang direktang kumpirmasyon kung hiwalay na nga ba sina Heaven at Kiko Estrada, marami naman ang napapatanong kung posible nga ba silang mahulog sa isa't isa?

“Si Gino sobrang bait. Sobrang gentleman niya. I’m lucky to work with him, and sobrang swerte ng lahat ng mga makakatrabaho si Gino,” puri ni Heaven kay Gino sa kanilang IG live.

“Working with Heaven is such a pleasure, she’s one of the best actresses in the country,” saad naman ni Gino.

Samantala, tahimik naman si Gino pagdating sa kaniyang buhay-pag-ibig, subalit noong Hulyo ay napabalitang nag-uusap pa rin sila ng isa sa mga housemates na nalink sa kaniya habang nasa loob siya ng PBB house, na walang iba kung hindi si Kiara Takahashi.