Naibuking ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na hiwalay na talaga ang aktres na si Yen Santos sa 'open secret' nitong karelasyong pulitiko mula sa Norte.

Nangyari ang biglaang ispuk ni Cristy sa isang radio program kung saan kachikahan niya ang mga kapwa showbiz insiders na sina Manay Lolit Solis at Mr. Fu.

Ang isyung pinag-uusapan nila ay tungkol sa tunay na score sa pagitan nina Paolo Contis at Yen Santos, at tamang-tama na si Manay Lolit ang makapagbibigay ng ilang mga detalye rito, bilang talent manager ni Paolo.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/15/manay-lolit-best-friends-lang-sila-mother-figure-si-yen/

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Yen Santos' sustained silence frustrates netizens – Manila Bulletin
Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Saad ni Manay Lolit, matalik na magkaibigan talaga sina Paolo at Yen, dahil 'mother figure' umano si Yen. Masarap umano itong kausap sa maghapon at magdamag.

Ganting tanong ni Manay Lolit kay Cristy, ano na ba ang real score naman sa relasyon ni Yen sa nasabing pulitiko?

Ani Cristy, matagal na umanong split ang dalawa; wala na rin umanong sustento.

May bago na umanong kinahuhumalingang bebe girl ang pulitikong ito, na anumang oras raw ay 'LILIPAD' na sa himpapawid, dahil sa matagal nang nakaabang na proyekto nito, na hindi matuloy-tuloy.

rear view of silhouette young woman standing against orange sky during sunset - back of a woman silhoutte stock pictures, royalty-free photos & images
Larawan mula sa Freepik

Ito namang si Manay Lolit, isinigaw ang pangalan ng superhero na gagampanan nitong bagong 'apple of the eye' ng pulitiko mula sa Norte. Nagkatawanan na lamang sina Cristy at Mr. Fu.