TACLOBAN CITY-- Nanawagan sa social media ang isang babae matapos nakawin ang labi ng kanyang ina sa sementeryo sa Borongan, Eastern Samar.

inilabas ni Marizo Tejero sa social media ang kanyang pagkadismaya matapos umanong nakawin ang marble urn ng kanyang ina sa Campesao New Cemetery, nitong Miyerkules, Setyembre 15.

Aniya, sira na ang glass cover ng puntod ng kanyang ina nang dumating siya sa sementeryo.

Hindi umano nila ni-lock ang mausoleum dahil may mga kaibigan ang kanyang anak na bumibisita.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“Mother, I will not blame those people who did this to you because I know you will forgive them…I hope God will enlighten them because you do not deserve this,” ani Tejero.

Aniya pa, ini-report na nila sa mga village officials  ang insidente.

Isang taon pa lamang ang nakalilipas nang mamatay ang kanyang ina noong Agosto 2020, ayon pa kay Tejero.

Marie Tonette Marticio