Aabot ng 114 madre at mga tauhan ng Religious of the Virgin Mary convent sa Barangay Kaunlaran, New Manila sa Quezon City ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa report ngQuezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), kabilang sa nahawaan ang 61 na madre at 53 tauhan ng naturang kumbento.

Paliwanag ng CESU, 22 sa naturang bilang ang asymptomatic, 86 naman ang nakararanas ng mild symptoms, apat ang may moderate cases at dalawa naman ang may severe cases.

Paliwanag ng CESU, nasa intensive care unit (ICU) na ang dalawang severe cases.

Sino-sino nga ba ang 16 na abogadong dedepensa kay VP Sara sa impeachment trial?

Isanailalim na sa granular lockdown ang lugar, ayon pa sa CESU.

Allysa Nievera