STA. FE LEYTE – Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang paved drainage sa Barangay Milagrosa Sta Fe, Leyte nitong Martes ng gabi, Seytembre 14.

Kinilala ang lalaki na si Jolito Quindara, 23, residente ng Cavite East, Palo, Leyte.

Larawan ng pagresponde ng Sta Fe Police sa insidente, katuwang ang BFP Palo

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang manebela ng motorsiklong sinasakyan ni Quindara dahilan para bumangga ito sa isang u-shaped precast culvert sa isang drainage construction sa lugar.

Lumalabas din na galing ng Palo, Leyte si Quindara at patungo sana sa Sta. Fe nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Plt Marvin Jacer, madilim ang naturang kalsada ngunit nakaposte ang early warning device ukol sa ginagawang drainage system.

Naisugod pa si Quindara sa Leyte Provincial Hospital ngunit nasawi rin ito alas 2:00 ng madaling araw nitong Miyerkules, Setyembre 15.