Rumesbak ang 'ReiNanay' contestant na si Marilyn Lagsa sa kaniyang mga bashers matapos ang kontrobersyal na panonoplak sa kaniya ni Choose-gado Ruffa Gutierrez, noong September 7 episode nito.

Ang 'ReiNanay' ay isa sa mga popular na segment ngayon ng noontime show na 'It's Showtime,' na nagbibigay ng pagkakataon sa mga ilaw ng tahanan na maipamalas ang kani-kanilang mga kakayahan at talento.

Napag-alaman sa 'Question and Answer' portion mula mismo sa ina ni Marilyn kung bakit pinabayaan nito sa kaniyang pangangalaga ang dalawang mga anak, na walang pinadadalang sustento, sa loob ng halos 10 taon.

Hindi ito ikinatuwa ng isa sa mga host na si Vice Ganda, subalit ang pinakatuwirang nagpahayag ng pagkadismaya ay si Ruffa. Na-high blood umano siya sa mga narinig niya mula sa ina ni Marilyn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Tama yung sinabi ni Vice, gagawa-gawa ka ng anak tapos iiwan mo lang doon. Hindi maganda yun…” pahayag ni Ruffa.

Matapos ang naturang episode ay pinutakti ng bashers si Marilyn. Kaya naman, naglabas siya ng isang video kung saan ipinaliwanag niya ang kaniyang sarili mula sa mga bashers.

Nasasaktan na umano siya sa mga naririnig niyang pang-aalipusta, panghuhusga, at pagmumura sa kaniya ng mga taong hindi naman siya kilala, at hindi alam ang kuwento ng buhay niya. Naiinis umano siya dahil moment niya dapat ang pagsali sa 'ReiNanay' subalit tila naiba ang mga nangyari.

Ipinakita niya sa video na nasa kaniya ang pangangalaga sa mga anak, at pinabulaanan ang sinabi ng ina na nasa poder nito ang mga bata. Magkalapit lang umano ang bahay nila ng kaniyang ina, na may 190 metro lamang ang pagitan.

Marilyn Lagsa (Screenshot mula sa YT)

"Yung mga paratang sa akin, hindi po iyon totoo," mariing pahayag ni Marilyn. "Sobrang nakaka-stress na po talaga, lalo na yung mga bashers na akala mo ang sama-sama kong tao! Nag-usap po kami ng nanay ko kani-kanina lang, pumunta siya rito sa tindahan kasi nag-iwan siya ng perang panghulog niya."

Tinanong umano niya ang nanay niya kung bakit sa dinami-dami naman ng puwedeng itanong sa kaniya, iyon pa ang naisip nito.

Nag-isip pa umano ito hanggang sa sabihin na ang dahilan. "Kasi 'nak wala akong masabi eh…"

"Ano? Wala kayong masabi 'nay? Bakit? Ang dami-dami naman pong puwedeng itanong na related sa buhay ko, sana po yung nagpakatotoo kayo. Hindi n'yo po alam kung ano ang nangyari sa akin," aniya.

'Lutang' umano ang kaniyang ina nang mga oras na iyon, at hindi inisip kung ano ang magiging consequences ng mga nasabi nito sa live telecast pa mandin ng show.

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa bumwelta kay Ruffa Gutierrez dahil  sa batikos na natanggap - Pilipinas Trending
Marilyn Lagsa (Screenshot mula sa YT/ABS-CBN Entertainment)

Sinabi ni Marilyn na wala talaga siyang kaalam-alam sa kung ano ang tanong na ibabato sa kaniya ng ina.

"Sa mga bashers ko po, huwag ninyo akong murahin, hindi po ako artista, ordinaryong tao lang din po ako! Imbes na moment ko na yung pagsali ko roon, bangungot ang nangyari!" pahayag pa niya.

Maya-maya, bumuwelta na siya sa isang 'judge' na hindi niya pinangalanan.

"May isang judge na hindi marunong umintindi, ipinahiya rin po ako. Sana noong time na rin po na 'yun naisip din niya na naka-live din kami, hindi rin po marunong mag-isip yung judge na 'yun, huh, sa halagang ₱5,000, consolation prize, hindi ko pa nga nare-receive eh… sa halagang ganoon lang, nilaglag ang pagkatao ko…"

Noong Setyembre 8, sinabi ni Ruffa na nasa 9th day na siya ng quarantine sa US, at naantig lamang talaga siya sa mga nalaman niya mula sa nanay ni Marilyn, kaya na-realtalk niya ito.