Pumalag si Paolo Contis sa mga di-matapos-tapos na isyu na more than a day umano silang magkasama ni Yen Santos sa Baguio City, taliwas sa detalyeng sinabi niya nang umaming magkasama nga sila na 'City of Pines.'

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na nagpadala umano sa kaniya ng text message si Paolo. Pinabulaanan nga nito ang bali-balitang mahigit isang araw silang magkasama ni Yen Santos sa Baguio. May banat din ang aktor sa mga 'Maritess' na parang mga undercover, detective, at CCTV na nakatutok sa kaniyang mga kilos 24 oras (sabi nga ni Cristy Fermin).

Cristy Fermin confirms Paolo Contis and Yen Santos in viral photo, video – Manila  Bulletin

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Ang sabi nila, 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi, gawin na nilang 30 days para happy sila," banat ni Paolo.

Samantala, hanggang ngayon umano ay apektado pa rin si Yen sa isyung ito dahil hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa panghuhusga sa kaniya, lalo na sa social media.