Pitong buwan matapos ang cover ng South Korean boy band BTS sa kantang “Fix You” ng Coldplay sa “MTV Unplugged Presents,” inanunsyo ng dalawang pinakamalaking banda sa mundo ngayon ang kanilang collaboration nitong Lunes, Setyembre 14.

Sa anunsyo ng Alien Radio FM, binunyag sa isang video ang susunod na single ng Coldplay, “My Universe,” tampok ang seven-member Korean pop band BTS.

Sinundan ito ng opisyal na anunsyo ng Coldplay sa Twitter na agad na ni-retweet ng Big Hit, kalakip ang petsang Setyembre 24, bilang release date ng collaboration.

Samantala, maugong ngayon ang espekulasyon ng fans ng BTS o mas kilala bilang BTS Army na itatampok sa single ang tambalang "Taekook" sa pagitan nina Kim Tae-hyung o BTS V at Jeon Jung-kook o BTS Jungkook.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Ramdam naman agad ang suporta sa much-anticipated collaboration matapos parehong sold-out sa pre-orders ang track sa opisyal na portal ng Coldplay at Weverse Shop ng HYBE sa loob lang ng dalawang minute.

Sa darating na Oktubre 5 ilalabas ng bandang Coldplay ang kanilang susunod na studio album “Music of the Spheres.”