'Down na down' umano ang kontrobersyal na aktres ngayon na si Yen Santos dahil sa mga ipinupukol na alegasyon sa kaniya hinggil sa rason ng hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, na hindi pa rin nawawala sa hot topic ng mga 'Maritess' kaugnay sa mga showbiz ganap.

Ayon sa malapit na kaibigan ni Yen na nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, ayaw pa umanong magbitiw ng anumang pahayag, o tumanggap ng mga panayam si Yen, na hanggang ngayon ay apektadong-apektado pa rin sa mga pangyayari, lalo na nang lumabas ang paliwanag ni Paolo Contis sa Instagram.

Yen Santos may gustong tikman? – Tempo – The Nation's Fastest Growing  Newspaper
Yen Santos (Larawan mula sa Tempo)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Yen Santos, walang kinalaman sa hiwalayang Paolo-LJ—Lolit Solis – Balita –  Tagalog Newspaper Tabloid
Yen Santos at Paolo Contis (Larawan mula Balita)

Ayon sa pagsisiyasat ng PEP, mukhang mapagkakatiwalaan naman ang source na ito dahil magkaibigan sila sa social media. Nagkokomento ito sa mga posts ni Yen, at gayundin naman si Yen sa kaniya. Isa rin ito sa mga nagtatanggol sa aktres. Marami na umanong mga akusasyong ibinato kay Yen subalit wala namang mapatunayang totoo dahil walang pruweba.

As of September 12 ay wala pang pahayag si Yen, nakanganga at 'abangers' na ang mga Maritess sa 'side of story' niya.