Binahagi ng Kapuso actor na si Dennis Trillo sa kanyang Instagram ang pakikipagsalamuha niya sa ilang malalaking pangalan sa larangalan ng pelikula kasunod ng kanilang pagdalo sa 78th Venice International Film Festival nitong Linggo, Setyembre 12.

Limang minuto na standing ovation ang natanggap ng pelikulang “On the Job: The Missing 8 ni Erik Matti sa film fest kung saan naiuwi rin ng aktor na si John Arcilla ang Best Actor award.

Pakikipagsalamuha ni Dennis Trillo sa mga miyembro ng Jury sa 78th Venice International Film Festival

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Pinuri rin ng jury ang aktor na si Dennis Trillo sa naging pagganap sa karakter ni Roman, isang hitman sa pelikula.

Sa video na binahagi ng aktor sa kanyang Instagram, hindi ito makapaniwala sa naging pagtangkilik sa kanilang materyal at sa kanyang naging acting performance.

Sa instagram post, maririnig ang mga papuri ng ilang miyembro ng film fest jury kabilang na ang Pangulo ng hinampalan na si Oscar-winning “Parasite” director Bong Joon-Ho at ang critically-acclaimed Grammy-, Emmy-, at Tony-winning actress na si Cynthia Erivo.

Maririnig ang mga salitang, “You are amazing,” at “You are brilliant” mula kay Erivo.

“I have to see you in many many more films. You are amazing,” dagdag ng aktres.

Sang-ayon din si Bong sa epektibong pag-arte ni Dennis.

“You were great,” papuri ni Bong sa aktor.

Sa hiwalay na post, binahagi rin ni Dennis ang larawan nila ni Direk Bong at ang pirmadong libro “A graphic novel in storyboards: Parasite.”

“Labyu tito Bong! Thank you for signing my book.”