Mukhang 'on-the-go' na ulit si LJ Reyes matapos dumaan sa kontrobersiya ang kanilang relasyon at hiwalayan ng dating partner na si Paolo Contis, matapos ang anim na taon nilang pagsasama.

'Patuloy ang buhay' ni LJ at ipinakita niyang hindi hihinto ang inog ng mundo dahil sa mga isyung ito; sa katunayan, dumalo siya sa fashion show ng prestihiyosong 'New York Fashion Week' Spring/Summer 2022 nitong Setyembre 8, 2021, sponsored by Moart. Si Brandon Maxwell ang host nito.

image.png
Larawan mula sa IG/LJ Reyes)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

image.png
Larawan mula sa IG/LJ Reyes)

Makikita sa My Story ng Instagram ni LJ na mukhang masaya siya dahil unang beses niyang makadalo sa naturang show. Nasa Amerika na si LJ ngayon kasama ang mga anak na sina Summer at Aki.

"My first #NYFW!!! and it was such eye candy. And can't get over @gigihadid and these creations!" ayon sa kaniyang caption.