Umarangkada na sa lungsod ng Maynila ang pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccination ng mga batang 12-17 taong gulang.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, binuksan ng Manila Citygovernment ang pagpaparehistro ng mga kabataan matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok ng bakuna sa edad 12 hanggang 17 gamit ang Pfizer at Moderna vaccines.

“We have to be prepared for this eventuality and I have also discussed with Vice Mayor Honey Lacuna and Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan the system that would put in place,” aniya.

“Nag-aalala na mga magulang, siyempre hindi mo masisisi ang mga nanay at tatay dahil maraming bata ang nagkakasakit dahil hindi sila bakunado," ayon sa alkalde.

Politics

'Steady lang ako sa gedli!' Yorme Isko, pinabulaanang tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028

Gayunman, paglilinaw ng alkalde, ito ay para sa registration lamang muna habang naghihintay pa rin nila ang go signal mula sa national government kung pwede nang bakunahan ang mga kabataan.

Upang mairehistro ang mga menor de edad, maaari umanong magtungo sa Manila COVID-19 vaccine website nawww.manilacovid19vaccine.phat irehistro ang kanilang anak na edad 12-pataas.

Pagkatapos nito ay hihintayin na lamang ang anunsyo ng pamahalaang lungsod kung puwede nang simulan ang pagbabakuna sa kanila.

Mary Ann Santiago