KALINGA - Naaresto ang isang wanted na drug courier matapos masugatan nang makipagbarilan sa mga awtoridad na nagresulta sapagkasamsam ng₱1.2 milyong halaga ng marijuana sa Tabuk City, kamakailan.

Kinilala ni Kalinga Police Provincial Director Davy Limmong, ang suspek na si Victor Guimba, taga-Pacak, Agbannawag, Tabuk City.

Aniya, tatakas sana si Guimba sakay ng isang sports utility vehicle habang nakikipagbarilsa mga pulis saNational highway ng Bulanao-Nambaran, Tabuk City, nitong Setyembre 7 matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bago naganap ang insidente, nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na isang SUV na galing ng Maynila ang nasa Tabuk upang sunduin si Guimba na may dalang marijuana.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nang respondehan ito ng pulisya ay kaagad na pinaharurot ni Guimba ang nasabing sasakyan habang pinapuputukan ng baril ang humahabol na mga pulis na nakipagbarilan din sa kanya.

Hindi na nakalayo ng suspek nang bumulusok sa palayan ang minamanehong SUV matapos masugatan sa sagupaan.

Nasamsam sa sasakyan nito ang nasabing halaga ng iligal na droga.

Nag-ugat ang kaso ni Guimba matapos matukoy na isa ito sa suspek na umabandona ng isang kotse na naglalaman ng 311 bricks ng marijuana nitong nakaraang Abril 18.

Zaldy Comanda