Namangha ang netizens sa kumakalat na mga litrato ni Bea Alonzo at lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo na tila magkahawig sila, noong kaedad pa ni Nanay Zeny ang jowa ng apo.

Nahalungkat ng mga tagahanga ni Bea at Dominic ang lumang litrato ni Nanay Zeny noong kabataan nito, at inupload sa Instagram, side by side sa litrato naman ng bagong Kapuso actress.

Zeny Tamayo at Bea Alonzo (Larawan mula sa IG/beadom.diary)

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Tisay X tisay. Napakagagandang dilag!!" saad sa caption ng IG post noong Setyembre 2021. Si Nanay Zeny ay ina ng dating aktres na si Beth Tamayo, na tiyahin naman ni Dominic.

Marami sa netizens ang nagsabing 'meant to be(a)' na nga talaga sina Bea at Dominic dahil may paniniwalang ang babae at lalaking may pagkakahawig sa isa't isa, lalo na't magkasintahan, ay tiyak na magkakatuluyan.

Narito ang ilan sa komento ng netizens.

"Hala oo nga no? Magkamukha sila? wika ng isa.

"Magkamukha!" saad ng isa.

"Wow, both beautiful!" turan ng isa.

"Grandma is so beautiful. No wonder me hawig si Dom kay Bea. Malamang magkatuluyan sila," pahayag naman ng isa.

Bea Alonzo at Zeny Tamayo (Larawan mula sa IG/beadom_143)

Nagkakilala na nang personal sina Bea at Nanay Zeny noong Hunyo 2021 bago magtungo sa bakasyon pa-US. Ipinakilala na rin ni Dominic si Bea sa iba pa niyang mga kaanak, maliban kina Nanay Zeny at Beth Tamayo.