Kung pinag-usapan ang teaser ng #ProudToBEAKapuso ng GMA Network sa kagulat-gulat na network transfer ng isa sa mga A-listers ng ABS-CBN na si Bea Alonzo, ngayong Setyembre naman ay may pasabog ang ABS-CBN sa 'precious jewel finds a new home' na makikita sa official social media accounts ng Dreamscape Entertainment.

Halos pamigay na rin ang clue kung sino nga ba ang magiging bagong Kapamilyang ito matapos ang pag-ober da bakod nina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon. May hashtag kasi ang teaser na #JustLOVe kung saan naka-highlight ang 'LOV.' Naikonekta kaagad ito ng netizens sa pangalan ni Lovi.

Larawan mula sa Twitter/Dreamscape Entertainment

Pelikula

Dekada '70, libreng mapapanood sa GSIS Theater!

Kamakailan lamang ay umugong ang bali-balitang natuluyan na nga ang paglipat ni Kapuso star Lovi Poe, na katatapos lamang sa kaniyang teleseryeng 'Owe My Love.'

Si Lovi ay isa sa mga A-listers ng Kapuso Network. Nagsimula ang kaniyang showbiz career sa naturang network, at ang kauna-unahang break kung saan siya nakilala ay ang teleseryeng 'Bakekang' noong 2006 kasama si Sunshine Dizon. Kinilala ang kaniyang husay sa pag-arte kaya nagawaran siya bilang 'Best New Female TV Personality' sa 21st PMPC Star Awards for Television.

Lovi Poe to debut US single 'Under' – Manila Bulletin
Lovi Poe (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ayon sa isang source na nagbahagi sa Manila Bulletin, ang singer-actress ay aalis na nga ng GMA dahilang paglipat nito sa ABS-CBN ay “done deal” na umano.

Dagdag pa ng source, inilaban pa ng GMA si Lovi ngunit mukhang mas maganda umano ang offer ng ABS-CBN sa kanya. 

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/04/lovi-poe-lilipat-na-nga-ba-sa-abs-cbn/

Batay sa source, nais ni Lovi na subuking “ikampay ang kanyang mga pakpak,” o “sumubok pa ng mga bagong bagay” at ang ABS-CBN ay handang magbigay ng mga pagkakataonpara sa kaniya upang magawa niya ito.

Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag o pahiwatig ang kampo ni Lovi kung siya nga ba ang tinutukoy ng naturang teaser.