Itinaas na sa Signal No. 3 ang Sta. Ana, Cagayan at silangan ng Babuyan Islands kaugnay ng banta ng bagyong 'Kiko' sa 12 pang lugar sa Northern Luzon nitong Biyernes.

Sa abiso ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito, taglay ang hanging 185 kilometer per hour malapit sa gitna at bugso na hanggang 230 khp matapos mamataansa layong 235 kilometro silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Isinailalim naman sa Signal No. 2 angBatanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang parte ng mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug) at hilagang silangan ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa Signal No. 1 naman ang nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, silangan ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos), Apayao, hilaga ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal), silangan ng Mountain Province (Paracelis), hilagang silangan ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), thilagangkanluran at timog kanluran ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven), at hilaga ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Babala ng PAGASA, mararanasan ang mapaminsalang hanging taglay ng bagyo sa mga tinukoy na lugar.

Nilinaw ng ahensya na makararanasdin ng malakas na ulan sa Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, Batanes at northern Isabela pagsapit ng hapon ng Huwebes at gabi ng Sabado.

Inalerto na rin ng PAGASAang mga residente sa posibleng biglaang pagbaha at landslide sa mga tinukoy na lugar.

Ellalyn De Vera-Ruiz