Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Huwebes, Setyembre 9, na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente sa susunod na taon sa gitna ng deklarasyon ng partidong PDP-Laban na kakandidato ang kanyang ama na si Presidente Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa 2022.
Gayunman, inamin ng alkalde na mayroong "Plan B," kukunin ni Senador Christopher "Bong" Go ang puwesto ng pangulo bilang kandidato sa pagka-bise presidente.
Matatandaang nitong Miyerkules, idineklara ng PDP-Laban si Go at Duterte bilang kandidato sa pagka-presidente at bise presidente para sa 2022 national elections.
“Yes, I am not running for a national position as we both agreed only one of us will run for a national position in 2022,” ani Duterte-Carpio.
“It (nomination of the chief executive) does not affect any of my plans but as we both agreed only one from the family will run for a national position,” aniya pa.
Gayunpaman, bilang tugon sa posisyon ni Go bilang standard bearer ng PDP-Laban, inamin ni Sara na mayroong "Plan B."
“From the last time PRRD (President Duterte) and I talked this was their Plan A,” pahayag ni Duterte-Carpio na tinutukoy ang proklamasyon ng PDP-Laban.
“The Plan B was for SBG to run as VP,” dagdag pa nito.
Matatandaang sinabi ng alkalde na hindi siya tatakbo sa higher office kung tatakbo ang ama niya bilang bise presidente.
Kahit naging consistent top placer siya sa ilang mga presidential surveys, isiniwalat niya na may anim na political leaders sa bansa ang kumakausap umano sa kanya bilang maging bise presidente niya kung sakaling tumakbo siya bilang presidente.
Ito ay sina Senador Juan Edgardo “Sonny”Angara, Sherwin Gatchalian at Go; House Majority Leader and Leyte Rep. Martin Romualdez; dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro, at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ben Rosario