Nasa kabuuang ?,???,??? na indibiduwal ang nabakunahan na kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Taguig City, nitong Setyembre 7.
Kasama na ang Taguig City sa Quezon City, Manila, at Caloocan City bilang pang-apat na lungsod sa bansa na nakaabot na ng isang milyong nabakunahan.
Binigyang-diin ng pamahalaang lungsod na napakalaking tulong ng dedikasyon at patuloy na sakripisyo ng bawat healthcare at essential worker sa lungsod sa isinasagawang contact tracing, vaccination efforts, at sa implementasyon ng programang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) laban sa COVID-19.
Kasabay nito ang agresibong hakbang sa pagbabakuna sa lahat ng vaccination hubs at sa patuloy na pagtutok ng lokal na pamahalaan sa community-based vaccination sa pamamagitan ng Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, at Home Service Vaccination na para naman sa mga bedridden na residente.
Bella Gamotea