Binasag na ni Paolo Contis nitong gabi ng Miyerkules, Setyembre 8, ang kanyang katahimikan ukol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Sa mahabang instagram post ng aktor, nilinaw niya ang ilang isyung naungkat na nagresulta ng “katakot-takot na pang-aalipusta at pambabatikos” sa kanya.

“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito,” pahayag ng actor.

Pinabulaan ni Contis ang ilang nagsasangkot umano sa kanya sa paggamit ng iligal na droga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is not true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them,” paglilinaw ng aktor.

Kasunod na nilinaw ng aktor ang pagkakasangkot ni Yen Santos sa isyu, ang female lead nito sa pelikulang A Faraway Land, kung saan nitong linggo rin ay inulan ng kabi-kabilang akusasyon.

Ani ng aktor, “she was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano.”

Pinaliwanag din nito ang kumalat na larawan kung saan namataan magkasama ang dalawa sa Baguio.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”

Umapela din si Contis sa publiko na huwag nang idamay at isangkot sa isyu ang manager at tinuturing niyang “Nanay” sa showbiz na si Lolit Solis.

Sa ikalawang parte ng Instagram post ni Contis, humingi rin siya sa dating partner na si Lian na muling nadawit sa kanyang isyung kinasangkutan.

Naglaan ng mensahe ang aktor sa anak nitong si Summer at sa kuya niyang si Aki.

“To Summer, I’m sorry my Ganda. I love and miss you so much. Papa will do his best to be better. I will always be here for you. I promise.”

“To Aki, I wish I could’ve done things differently and listened to you more. I’m sorry I failed you.”

Nag-sorry din ang aktor kay Lj Reyes para sa lahat ng nagawa niya sa aktres.

Sa huli ay hiniling ni Contis na galangin ang pribado nilang buhay.

“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you."