May espesyal na pitak o kolum ang mahusay na komedyante, host, aktres, at beauty title holder na si Giselle Sanchez kay Paolo Contis kaugnay ng isyung kinasasangkutan nito, sa Manila Bulletin.

Basahin: https://mb.com.ph/2021/09/05/gossip-girl-paolo-contis-can-still-save-relationship-with-lj-reyes/

Naniniwala si Giselle na may pag-asa pang maisalba ang relasyon nina Paolo at LJ. Anim na taon din ang kanilang pagsasama, at biniyayaan pa sila ng isang anak na si Summer, bukod pa kay Aki (anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino), na itinuring na rin niyang parang sariling anak.

Batay umano sa napanood niyang panayam ni Tito Boy Abunda kay LJ, nakikita umano niyang kaya pang mapatawad ni LJ si Paolo sa anumang 'pagkakamaling' nagawa nito sa kanilang relasyon, na humantong na nga sa hiwalayan. Sa ngayon daw, nasasaktan pa ang puso ni LJ sa mga pangyayari.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tila pinangaralan ng isang 'ate' si Paolo.

"Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid. I saw you grow up from “Ang TV” to Okatokat. I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly," ani Giselle.

Giselle Sanchez, Paolo Contis, at LJ Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Inamin ni Giselle na ang kaniyang simpatya ay na kay LJ, matapos niyang marinig ang mga pahayag nito sa panayam. Bilib din siya rito dahil nagpakatatag ito at nanindigan sa kanilang relasyon ni Paolo.

" I really admire LJ for her strength and for her zeal to be committed to the relationship. In relationships, there may be times that you may have a good reason to get out. They did things to hurt you, and they let you down," giit ni Giselle.

"You could justify walking away. Nobody would fault you, but when you’re committed, you show mercy, you give second chances, you make allowances for mistakes. They may not deserve it, they may be guilty, but only the guilty need mercy," dagdag pa niya.

Inisa-isa rin niya ang ilang mahahalagang pahayag mula kay LJ, gaya ng paglaban nito na mapanatili pa ang kanilang relasyon kahit na pakiramdam niya ay 'ibang tao' na si Paolo, binabaan niya ang kaniyang pride alang-alang sa kanilang anak, dahil nais niyang magkaroon sila ng matatawag na kumpletong pamilya, kaya muling tinanong ni LJ si Paolo kung maisasalba pa nila ang lahat, subalit tumanggi na si Paolo.

Sa buong panayam ni LJ kay Tito Boy, hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan: kung nagkasawaan ba sila, may problema sa pera, o may third party. Sa ngayon, ang naghuhumiyaw na dahilang ibinabato ng netizens ay ang ikatlong rason, at ang mga babaeng iniuugnay at pinupukol ngayon ng bato ay sina Yen Santos, at ang dating ex-partner ni Jomary Yllana na si Joy Reyes.