Isa sa mga sikat na singers ngayon ang tinaguriang 'Queen of Hugot Songs' na si Moira Dela Torre. Patok na patok sa kabataan ang kaniyang mga 'mapanakit' o tila may malalim na pinaghuhugutang mga kanta ng pag-ibig, isabay pa ang malumanay na paraan niya ng pag-awit.

Moira dela Torre to people with mental health disorders: 'It's not  something to be ashamed of' – Manila Bulletin
Moira Dela Torre (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng netizens ang Twitter post ng hugot singer noong August 26. Saad niya kasi, 'Bakit mahirap maghintay?'

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Na sinagot naman ng aktor na si Carlo Aquino: "Baka kasi wala ng hinihintay?"

Subalit ang pinakakinagiliwan ay ang pabirong 'pambabasag' ng isang netizen kay Moira.

"May asawa ka na humuhugot ka pa rin?"

Larawan mula sa Twitter/Moira Dela Torre

Larawan mula sa Twitter/Moira Dela Torre

Larawan mula sa Twitter/Moira Dela Torre

Wala namang itinugon dito ang singer dahil mukhang hindi naman below-the-belt ang komentong ito.

Samantala, narito naman ang ilang mga seryosong tugon ng mga Twitter users sa tanong ni Moira:

"We have always been taught that 'good things come to those who wait.' But what no one tells you is that this waiting often makes us miss the good things," wika ng isa.

Sabi naman ng isa, "Pero wala naman sigurado diba. Life is about taking risks. Dapat alam lang natin kailan hihinto at magpapaubaya."

"Nahihirapan maghintay kasi hindi nagtitiwala. Try to put your trust while waiting, you’ll see the difference between waiting with trust and without," turan naman ng isa.

Si Moira Dela Torre ay nakilala sa mga napakaraming hugot songs gaya ng 'Malaya,' 'Tagpuan,' 'Paubaya,' at marami pang iba.