Binabansagan ngayon bilang 'Drama Royalty' ng TV5 si Julia Barretto dahil sa kaniyang weekly seryeng 'Di Na Muli' kasama ang dalawang 'Marco' na sina Marco Gumabao at Marco Gallo.

Magsisimula sa Setyembre 18, 8:00PM ang naturang serye. Kasama pa rito sina Bobby Andrews, Katya Santos, Lander Vera-Perez, Liz Alindogan, Mickey Ferriols, Andre Yllana, at Baron Geisler.

Larawan mula sa FB/TV5

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ito ang kauna-unahang teleserye ni Julia na labas sa ABS-CBN, at simula nang bumitiw siya sa Star Magic at hawakan na ng Viva Artist Agency.

Samantala, maganda umano ang feedback ng teleseryeng 'Niña Niño' nina Maja Salvador at Noel Comia Jr. Giit ng netizens, isa si Maja Salvador sa mga Drama Royalties ngayon ng TV5; baka nga ito pa raw ang 'Queen' o Reyna.

Nariyan din si Cristine Reyes para naman sa Pinoy adaptation ng Korean series na 'Encounter' katambal si Diego Loyzaga.