May lalaban na sa 'Who wore it best' memes kina Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos na kamakailan lamang ay kinatuwaan sa social media, kaugnay ng isyung 'sulutan.'

May be an image of 3 people, people standing and dog
Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos (Larawan mula sa Balita Online/The Scoop)

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/04/who-wore-it-best-memes-nina-julia-heaven-at-yen-patok-sa-mga-netizens/

Ito ay ang 'Kanino ka aangkas?' memes para kina Gerald Anderson, Aljur Abrenica, at Paolo Contis na mga kapareha ng mga babaeng nasasangkot sa kontrobersya.

Pinagdikit-dikit ang mga larawan nila na sila ay nakasakay sa motorsiklo.

Naging kontrobersyal ang naging relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil umano kay Julia Barretto.

Kamakailan lamang ay inamin nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na hiwalay na sila, subalit hindi pa rin maaalis ang co-parenting nila sa kani-kanilang mga anak. May 'third party' involved daw ayon mismo sa tatay ni Kylie na si Robin Padilla.

Habang recently lang, maingay ang naging hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes. Alegasyon ng marami, si Yen Santos ang dahilan nito na kapareha ni Paolo sa pelikulang 'A Faraway Land.' Sa latest update, hindi na muna umano siya magsasalita hinggil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon; tanggap umano niya ang inaaning pang-aalipusta ng mga tao ngayon dahil sa kaniyang ginawa (kung totoong may ginawa man).

Aljur Abrenica, Gerald Anderson, at Paolo Contis (Larawan mula sa FB/Trendify)

Kanino ka nga ba aangkas sa kanilang tatlo?