Patay ang isang dalagita nang makulong sa nasusunog nilang bahay saLas Piñas City, nitong Linggo ng umaga.

Natagpuan ang bangkay ni Raniel Peña, 14, sa loob ng kanyang kuwarto sa No. 7 Acacia St., Camella Homes, Barangay Pulang Lupa Dos, ayon sa Las Piñas City-Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa paunang imbestigasyonng BFP, bigla umanong sumiklab ang isa sa kuwarto sa ibaba ng dalawang palapag na bahay na pag-aari ng pamilya niPeña, dakong 7:55 ng umaga.

Tinangka umanong iligtas ng ama ang dalagita na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay, gayunman, hindi na ito nakapasok sa kanilang bahay dahil sa laki ng apoy.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dakong 8:45 ng umaga nang maapula ang sunog, ayon sa BFP.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng insidente na ikinaabo ng 380,000 halaga ng ari-arian.

Jean Fernando