Kinilig ang mga netizens lalo na ang mga beki kina Christian Bables at JC De Vera dahil sa kanilang pagganap bilang lovers, sa September 4 episode ng 'Maalaala Mo Kaya' na #MMKSerendipity.

Larawan mula sa IG/Christian Bables

Larawan mula sa IG/Christian Bables

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Christian Bables

Nahanap ni Iron ang Facebook account ni Jay, at doon na nagsimula ang kanilang matamis na ugnayan. Ang problema, si Jay ay nagtatrabaho sa bansang Norway at nakabakasyon lamang sa Pilipinas.

Bago bumalik ng Norway, inaya ni Jay si Iron ng kasal sa bansang iyon (dahil legal doon ang same sex marriage).

Trending naman sa Twitter world ang #MMKSerendipity at maraming mga netizens ang humiling na sana raw ay magka- 'Boy's Love' o BL series na ang dalawa, lalo't patok na patok ito ngayon.

Hindi na bago kina Christian at JC na gumanap bilang beki. Kinilala ang husay sa aktingan ni Christian sa pelikulang 'Die Beautiful' gayundin sa 'The Panti Sisters.'

ABS-CBN News on Twitter:
Larawan mula sa Twitter/Christian Bables

Ang Dalawang Mrs. Reyes' Movie Review: A Well Thought Out Comedy - The  Summit Express
Joross Gamboa at JC De Vera (Larawan mula sa Twitter)

Si JC naman, sa pelikulang 'Ang Dalawang Mrs. Reyes' kasama sina Angelica Panganiban, Joross Gamboa, at Judy Ann Santos.