Malapit na malapit nang ipalabas ang unang teleserye nina Paulo Avelino at ng bagong Kapamilya na si Janine Gutierrez na 'Marry Me, Marry You' sa Kapamilya Network, na ngayon pa lang ay umaani na ng positibong feedback sa mga netizens, simula nang ilabas ang teaser nito.

Kaya naman, kaliwa't kanan na rin ang promosyon para kagatin ng publiko ang kanilang tambalan, lalo't alam naman ng lahat na hindi naman silang dalawa sa tunay na buhay; si Janine ay jowa ni Rayver Cruz na namamayagpag naman ang showbiz career sa GMA Kapuso Network. Si Paulo naman, masaya sa relasyon nila ng modelong si Jodie Elizabeth Tarasek na isang Filipina-Polish na lumaki sa Sydney, Australia.

Sa isang Twitter post ni Paulo nitong Setyembre 5, pabirong sinabi niya na napunta umano ang ₱3,500 niya kay Janine, para sa 'lafang' nito.

"Alam ko na po kung saan napunta ₱3500 ko, ulam niya po lahat 'yan. Send help," pabirong tweet ni Paulo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Janine Gutierrez (Larawan mula sa Twitter/Paulo Avelino)

Marami tuloy ang mga mapagpatol na 'Marites' ang nagtatanong kung ginagastusan ba ni Paulo ang pagkain ni Janine? Masyado nga ba raw 'generous' si Paulo sa kaniyang katambal?

Lately ay ibinubuking ni Paulo sa kanilang mga press conference na matagal na umanong gustong maging Kapamilya ni Janine; kaya lang ay naudlot lamang. kaya huwag lagyan ng malisya dahil matagal na silang magkaibigan, dahil pareho sila ng talent management. Siya rin ang nagbuking na magiging Kapamilya na ito.