Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng showbiz ang nakagugulat na hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, na kinumpirma na mismo ni LJ sa panayam kay Boy Abunda, sa showbiz vlog na 'The Interviewer' nitong Setyembre 1, 2021. Sadyang kapag may hiwalayan, nakaabang na ang mga 'Mozang' at 'Marites.'

Lalong umusok ang naglalagablab na apoy nang maispatan si Paolo na may kasamang 'Mystery Girl' habang naglalakad at kumakain sa isang lugar sa Baguio City, ilang araw lamang matapos ang big revelation ni LJ. Maraming alegasyon ang lumabas, na ang naturang babae umano ay walang iba kung hindi ang katambal niya sa pelikulang 'A Faraway Land' na si Yen Santos.

Maituturing si Paolo bilang isa sa mga sikat at mahusay na child star noong 90's. Nagsimula ang kaniyang showbiz career sa ABS-CBN at naging bahagi ng mga TV shows na 'Mara Clara,' 'Ang TV,' 'Oki, Doki, Doc,' at 'Tabing Ilog.'

Lumipat naman siya sa GMA Network noong 2004, naging komedyante at naging bahagi ng gag show na 'Bubble Gang.' Sa mga seryosong TV shows naman, kadalasang villain roles ang naibibigay sa kaniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kung babalikan ang naging 'biyahe' ng buhay pag-ibig ni Paolo, nakailang 'destinasyon' na nga ba siya?

Carol Banawa

Ang unang napabalitang nakarelasyon ni Paolo sa showbiz ay ang actress-singer na si Carol Banawa, noong nasa Kapamilya Network pa siya. Ayon sa kaniyang panayam sa 'Showbiz Central,' ang defunct-talk show ng Kapuso Network, masyado pa kasi silang mga bagets noon, kaya mutual decision ang kanilang paghihiwalay. Sa ngayon, nasa US na si Carol at isa na siyang licensed nurse. Ang kanyang mister ay si Ryan crisostomo at may tatlong anak na sila.

Carol Banawa announces third pregnancy – Manila Bulletin
Carol Banawa/Larawan mula sa Manila Bulletin

Desiree Del Valle

Matapos kay Carol, napabalita naman ang kanilang relasyon ni Desiree Del Valle, na nakasama niya sa youth-oriented series na 'Tabing-Ilog' kung saan nagsimulang mas makilala ang karamihan sa mga A-listers ng Kapamilya Network at maging ng buong showbiz industry ngayon, gaya nina John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria.

Ngunit ayon kay Paolo, nagdesisyon silang maghiwalay dahil kinailangang mag-migrate ni Desiree sa US. Wala rin umanong katotohanang pumasok sa lesbian relationship ang aktres at ipinagpalit si Paolo. Sa ngayon, ang partner ni Desiree ay ang aktor na si Boom Labrusca na tatay naman ni Tony Labrusca.

desiree del valle – Manila Bulletin
Desiree Del Valle/Larawan mula sa Manila Bulletin

Nancy Castiglione

Sumunod naman ay si Nancy Castiglione na isang Italian-Filipina model at actress. Dalawang taon lamang ang kanilang relasyon (2002-2004). Sinasabing naghiwalay sila dahil 'battered boyfriend' umano si Paolo. Noong 2010, nagbigay pa ito ng mensahe kay Paolo nang ikasal ito sa isa sa mga 'EB Babes' ng eat Bulaga na si Lian Paz.

"My advice would be to take care of his girls. Take care of Lian, she's going to need a lot of help especially, you know, the first month or maybe the first weeks basically. You know, there's something called post-partum. Her emotions will be going up and down. Alam ng mga babae 'yan who have children, what I'm talking about. So, just be patient with her and be a good father. Concentrate on them and welcome to the world of being a parent," saad ni Nancy noon. Siya ay may tatlong anak na sa kaniyang partner at tahimik na naninirahan sa Canada.

LOOK: The wonderful life of Nancy Castiglione after leaving showbiz | GMA  Entertainment
Nancy Castiglione/Larawan mula sa Manila Bulletin

Isabel Oli

Sunod naman ay ang model-actress na si Isabel Oli (2006-2008). Napabalita pa noon na nagsasama na umano sila dahil bumili ng bahay si Paolo, subalit mariin naman itong pinabulaanan ng aktor. Sinasabing engaged na sana sila subalit makalipas ang tatlong linggo, ibinalik umano ni Isabel ang singsing kay Paolo dahil tila 'nagising' sa katotohanan si Isabel na hindi sila para sa isa't isa. 'On the rocks' na pala ang kanilang relasyon hanggang sa sila ay naghiwalay. Sa ngayon, masaya na si Isabel kay Kapamilya actor-director na si John Prats at may mga anak na rin.

Isabel Oli/Larawan mula sa Manila Bulletin

Lian Paz

Si Lian Paz ay dating bahagi ng EB Babes ng 'Eat Bulaga' at ikinasal sila noong 2009, at biniyayaan sila ng dalawang anak. Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi rin sa hiwalayan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila annulled.

Nahalungkat naman ng mga netizens ang video ng panayam sa ex-wife na ito ni Paolo, sa kasagsagan ng paghihilwalay ng aktor at ni LJ. Lumalabas na tila magkatulad din ang nangyari sa kanila ni LJ; ganoon din ang ginawa ni Paolo sa kaniya. Pareho umano ang pattern ng paghihiwalay nina Lian at Paolo kina LJ at Paolo.

Ayon kay Lian sa panayam ng dating talk show na "Startalk" ng GMA Network, kahit nais pa niya sanang maayos ang kanilang pamilya, desidido na raw si Paolo na makipagkalas sa kanya.

Pahayag ni Lian noon: “Sabi niya, 'I’m not doing this because I don’t love you anymore, I’m doing this for you.’ Sabi ko sa kanya, 'Kung ano man pinagdadaanan mo, asawa mo 'ko, andito ako para tulungan ka."

Dagdag pa niya, "Ang sabi niya, 'No, tama na. Kaya mo 'yan.'"

Sa ngayon ay masaya na si Lian sa kaniyang karelasyong negosyante.

Is this Lian Paz's reaction to LJ Reyes-Paolo Contis breakup? – Manila  Bulletin
Lian Paz/Larawan mula sa Manila Bulletin

LJ Reyes

Nagsimula ang dating nina Paolo at LJ noong Hulyo 2015. Mas nakilala umano nila ang isa't isa nang magkatrabaho sa teleseryeng 'Yagit' ng Kapuso Network noong 2014. Subalit noong 2005 daw, nagkatrabaho na sila action series na 'Sugo.'

“Mula nang makilala kita, nagkadireksyon ang buhay ko… at ginusto kong makadireksyon ang buhay ko,” sabi umano ni Paolo noon.

Noong 2017, sinabi ni Paolo dugo at laman ang turing niya kay Aki, ang anak nina LJ at Paulo Avelino.

“I will always be there for him. He knows that he can tell me everything, because we’re friends. And I think that’s more fun, a strong foundation,” saad ni Paolo sa panayam ng isang pahayagan.

Dagdag pa niya, “I made it very clear with LJ from the get-go I wouldn’t dare use her kid just so I could win her over. LJ is protective of her son, so it did take time before she entrusted him to me. And I’m glad she gave [me] a chance to do that.”

Kinilig naman ang mga netizens sa isang sweet Instagram post ni Paolo para kay LJ, na ngayon ay hindi na makita dahil burado na nga.

“Love, thank you for everything! Thank you for taking care of all of us! Alam ko mas mahirap ngayon na wala ako but I know the kids will be okay kasi nandiyan ka. I want you to know how much I appreciate and love you! Can't wait to go home again and be with you! Please know that I'm always missing and thinking of you," saad ni Paolo habang siya ay nasa ibang bansa para sa shooting ng kaniyang pelikula.

Matapos ang ilang buwan, nitong Agosto 19 2021, napansin ng mga netizens na naka-unfollow na si LJ sa Instagram ni Paolo, at gayundin naman si LJ sa kaniya. Pati ang mga larawan nila ni LJ, burado na rin. Tinanggal din niya ang mga larawan ni Aki, ang anak nina LJ at Paulo Avelino. Maging si LJ, ganito rin ang ginawa kay Paolo, kaya lalong umusok ang apoy na 'there is something wrong.'

Dahil sumabay ang isyung ito sa pagpapalabas ng pelikulang 'A Faraway Land' nina Paolo at Yen Santos, nabaling tuloy ang atensyon ng publiko kay Yen. Marami ang nagsabing baka si Yen ang third party, lalo't nagkasama ang dalawa nang matagal sa Europe kung saan kinunan ang mga eksena sa naturang pelikula.

May mga nagpahayag pa nga na baka promo lamang ang ginawa ni Paolo na pag-unfollow kay LJ para panoorin ang kaniyang pelikula, lalo't wala pang lumalabas na kumpirmasyon mula sa dalawa, kung may katotohanan ang balita.

Noong Agosto 23, lumabas ang kumpirmasyon mula mismo sa talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na hiwalay na nga ang kaniyang alaga kay LJ. Aniya, wala umanong third party involved. Sadyang na-'outgrow' lamang ang feelings ni Paolo para kay LJ. 'Fall out of love' ang nangyari kumbaga.

After breakup, LJ Reyes deletes photos of Paolo Contis – Manila Bulletin
LJ Reyes/Larawan mula sa Manila Bulletin

Samantala, sa isa pang hiwalay na pahayag, sinabi ni Manay Lolit Solis na huwag idamay si Yen Santos sa isyu. 'Open secret' naman umano sa publiko kung sino ang tunay na karelasyon ng Kapamilya actress. Iniuugnay si Yen sa isang napakayamang pulitiko at negosyante mula sa isang lalawigan na nasa bandang Norte ng Pilipinas.

Naungkat ng mga Marites ang tungkol sa isang blind item sa defunct na Facebook group na 'Tsismosang Kapitbahay' kung saan naispatan umano ang isang aktor na may inisyal na "PS" at isang aktres na si "YS" na literal na magkaiba ang pinaglilingkurang TV network at hiwalay ding nag-check in sa isang hotel.

Sa segment naman ng 91.5 Radio Manila na "Usapang Showbiz" na kumakalat ngayon sa TikTok, na-ispluk ni Kuya Jay Machete ang isang blind item tungkol sa isang komedyanteng aktor na may asawa at anak na, na 'kalandian' umano ang ex-gf ng isang actor-politician. Pinag-usapan din ang lumabas na blind item sa TikTok video mula sa kontrobersyal na si 'Christian Xian Gaza' hinggil sa isyu. Nagpasaring din ang kilalang disc jockey na si Mo Twister sa mga magkakatrabahong artista na nagkakahulugan ng loob.

Subalit nitong Setyembre 1, tuluyan na ngang binasag ni LJ Reyes ang kaniyang katahimikan sa pamamagitan ng isang tell-all interview kay King of Talk Boy Abunda, sa kaniyang showbiz vlog na "The Interviewer."

Ilang araw lamang matapos ang pasabog ni LJ, umingay naman ang balitang naispatan si Paolo kasama ang isang 'mysterious girl' habang naglalakad-lakad- at sabay pang kumain sa isang lugar sa Baguio City. Kahit likod ang nakita sa video at nakasuot ng face mask at face shield, nakilala ng mga netizens na ang lalaki ay walang iba kung hindi si Paolo Contis.

Ang lumulutang na alegasyon, si 'mysterious girl' na ito ay walang iba kung hindi si Yen Santos.

Paolo Contis and Yen Santos SPOTTED in Baguio City - YouTube
Screenshot mula sa YT

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Paolo Contis o maging si Yen Santos hinggil sa isyung kinasasangkutan nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/04/go-mga-marites-ang-mga-nakawiwindang-na-chika-sa-tunay-na-dahilan-ng-hiwalayang-paolo-at-lj/