Sadya nga bang damit ang tinutukoy o may iba pang nais ipahiwatig?

Bentang-benta ngayon sa mga netizens ang memes na inilabas ng Facebook page na 'The Scoop' hinggil kina Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos.

Makikita kasi sa tatlong pinaghambing-hambing na larawan nila na pawang nakasuot sila ng itim na sando. Saad sa caption, "Who wore it best: Julia, Heaven, or Yen?”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

May be an image of 3 people, people standing and dog
Larawan mula sa FB/The Scoop

At dahil sa mainit na isyung kinasasangkutan ngayon ni Yen, dahil sa lumabas na mga larawan at video na siya umano ang mystery girl na kasa-kasama ng aktor na si Paolo Contis sa Baguio City, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes, marami ang nagbigay-interpretasyon na ang pinatutungkulan talaga ng meme na iyon ay ang kanilang mga kinasangkutang isyu sa kani-kanilang mga pakikipagrelasyon.

Ang common denominator umano ng tatlo, pare-pareho silang inaakusahan ng 'panunulot' o third party sa relasyon.

Ang iba naman ay ininterpret pa ang pagkakagamit ng salitang 'Who wore' na tunog 'whore' daw.

Si Julia Barretto ang itinuturong dahilan kung bakit umano naghiwalay sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Si Heaven Peralejo naman ang itinuturong third party kung bakit naghiwalay ng landas sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

At panghuli nga, si Yen Santos naman ang sinasabing rason kung bakit nanlamig na si Paolo Contis sa pakikipagrelasyon kay LJ Reyes. May pelikula sina Yen at Paolo na 'A Faraway Land.'