Tila sanay na sanay na ang mga sikat na celebrities na makabasa ng fake news laban sa kanila.

Ang 'latest fake news' umano na nabasa ni Chinita Princess Kim Chiu ay ang isyung tatanggalin na siya bilang host ng noontime show na "It's Showtime" dahil hindi umano benta ang kaniyang hirit at jokes; hindi rin umano gusto ng 'Madlang Pipol' ang pagiging maingay niya at hosting style.

May bersyon pa na babalik na kasi ang isa sa mga original hosts nito na si Anne Curtis kaya echa-puwera na si Kim, na pantapal lang umano. May nagsabi pang may proyekto siyang gagawin at kailangan niyang maglock-in taping.

Naging isyu rin sa mga netizens ang mga umano'y cryptic posts niya sa Instagram hinggil sa 'pambabalewala.'

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Araw-araw kasi ‘yun, eh. Ang sakit sa ulo,” natatawang sabi ni Kim sa mga co-hosts na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

LOOK: Emotional Kim Chiu says she wasn't accepted fully on 'It's Showtime'  – Manila Bulletin
Kim Chiu (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kaya naman, nagpaalala si Vice Ganda sa publiko na huwag awayin ang "It's Showtime" dahil lamang sa isang fake news.

"Mas maging extra-extra careful at piliin din ang mga binabasa na sites. Tingnan muna kung kanino galing,” paalala ni Meme Vice.

Batay sa usapang ito, walang katotohanan ang balitang tsutsugihin na si Kim Chiu sa naturang noontime show.