Itinigil na ni BidaMan finalist Jervy Delos Reyes ang nauusong raket ngayon online: ang pagbebenta ng erotic videos at pagsasagawa ng live show upang kumita ng pera.

Ang "BidaMan" ay isang segment sa Kapamilya noontime show na It's Showtime' noong 2019, para sa mga baguhang aktor na nagnanais pumasok sa showbiz. Si Jin Macapagal ang nagwagi rito.

Sa naging panayam ni Ogie Diaz kay Jervy sa kaniyang YouTube channel na 'Showbiz Update,' ipinaliwanag niya kung bakt siya sumabak sa pagiging online sex worker simula noong Abril 28, 2021. Aniya, nagawa lamang niya iyon dahil may pinagdaraanan siya. Mag-isa na lamang siyang namumuhay at pinili kasing lumayo sa kaniyang pamilya. Dumaan umano siya sa depresyon at ninais na matuto sa kaniyang sarili.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Jervy Delos Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Dahil umano sa kanyang isyu sa mental health, ito umano ang naging coping mechanism niya upang ma-divert ang mga kung ano-anong bagay na pumapasok sa kaniyang isipan, at nagpapabalisa sa kaniya.

Umabot na raw sa halos 400 katao ang subscribers ni Jervy sa kanyang premium account, kung saan ₱1,500 ang subscription fee ng bawat member.

Sa kabuuan, mahigit ₱450,000 ang kinita ni Jervy sa loob ng isang linggo. Kapagkuwan ay nagbigay si Jervy ng 30 percent discount sa bagong members.

Jervy Delos Reyes (Larawan mula sa TikTok)

Nang makaipon ng pamuhunan sa negosyo, tuluyan na ngang itinigil ni Jervy ang ganitong gawain dahil nagalit umano ang kaniyang pamilya sa kaniyang pinasok na hanapbuhay.

Sa panibagong tweet ni Jervy nitong August 31, mukhang ibang 'laman' na ang inilalako niya: may matamis na leche flan pa!

"Hi guys! Nagdedeliver po ako ng leche flan and BBQ. Order na po kayo sa akin, sa mga gusto diyan PM ninyo lang po ako. Open na po ako sa pag-take ng orders for tomorrow! 1-7pm delivery time po. God bless po!" tweet niya.

Jervy Delos Reyes (Larawan mula sa Twitter)

May natuwa namang netizen at nagkomento na mabuti raw ay iniwanan na ni Jervy ang pagbebenta ng erotic videos. Agad naman itong sinagot ni Jervy sa isa pang tweet.

“Salamat po. Matagal na po akong huminto sa ginagawa kong trabaho dati. Di po mahalaga ang pera sa akin, ang mahalaga sa akin kung ano talaga ang nakakapagpasaya sakin. at 'yun ang pamilya ko. Balang araw masusuklian ko rin sila.”

Mabenta naman umano ang kaniyang negosyong barbecue at leche flan. Nagtayo na pala siya ng isang barbecue stand, kaya lamang, nagsara ito dahil nga sa ipinatupad na enhanced community quarantine o ECQ. Kaya naman, nag-shift siya sa pagdedeliver ng mga orders para sa kaniyang mga customers.