Hindi na makatulog ang mga 'Marites' o tsismosa ng bayan sa pag-ungkat sa mga tunay na pangyayari sa iba't ibang isyu sa lovelife ng mga celebrities ngayon. Ang latest nga ay tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, at kung sino ba ang may 'salarin' kung bakit ito nangyari: na-fall out of love nga lang ba, problema sa pera, o third party?

Isa sa mga kilalang personalidad na nagbigay ng kaniyang reaksyon hinggil dito ay ang kontrobersyal na disc jockey na si Mo Twister.

Naintriga ang mga 'online Marites' sa kaniyang tweet na tila pasaring patungkol sa mga artistang nagkakahulugan ng loob kapag sila ay nagkakatrabaho.

“Not surprised to be honest. actors/actresses often develop feelings for each other when shooting such romantic films. especially if you shoot in destination locations like Europe. most especially if you get your btthle licked," tweet ni DJ Mo Twister.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa Twitter/Mo Twister

At syempre, agad na nagbigay ng kanilang haka-haka ang mga netizens, na ang maaaring pinatutungkulan ng pasaring ay walang iba kung hindi sina Paolo Contis at Yen Santos.

Nagtambal ang dalawa sa pelikulang 'A Faraway Land' kung saan kinunan ang mga eksena sa Faroe Islands na bahagi ng Europe.

Nang lumabas ang isyu hinggil sa hiwalayang Paolo-Yen, ang manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis ang agad na sumansala sa haka-haka ng mga tao na si Yen Santos ang dahilan nito. Aniya, huwag umanong idamay sa isyu si Yen dahil alam naman umano ng lahat ang 'open secret' na relasyon nito. Iniuugnay kasi si Yen sa isang napakayamang pulitiko mula sa bandang Norte ng Pilipinas.

Ilang araw matapos ang tell-all interview ni LJ kay Boy Abunda sa showbiz vlog nitong 'The Interviewer' na umere noong September 1, namataan si Paolo na may kasamang ibang babae na hindi mamukhaan ng netizens lalo pa’t ang kumalat na litrato nila na magkasama ay nakatalikod ito. Subalit batay sa lumabas na mga 'resibo,' (makabagong tawag sa ebidensya o patunay), maraming nagsasabing ito ay walang iba kung hindi ang kaniyang lead actress na si Yen Santos.

Screenshot mula sa TikTok

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na official statement si Paolo Contis hinggil sa hiwalayan nila ni LJ Reyes ngunit kabi-kabila na nga ang espekulasyon hinggil tunay na dahilan nito.