Usap-usapan ngayong araw, Setyembre 3, sa social media ang isang viral Tiktok post na ibinahagi ng nagngangalang Mica Ancheta.

Makikita sa video ang isang babae at lalaki na sabay na nalalakad nang walang social distancing.

Bagamat magkadikit ang dalawa ay balot naman ang kanilang mga mukha dahilan para umusbong ang spekulasyon ng mga netizens.

“Sino kaya tong nakita naming sa Manaoag church?” caption ng Tiktok user sa video.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Parang apoy namang hindi agad naapula at kumalat sa social media ang content.

Kasunod itong inulan ng resident “Marites” o chismosang netizens kung saan lantarang binabanggit ang identity umano ng dalawang nasa video.

Suspetsa ng mayorya, si Paolo Contis ang lalaki sa video, at ang tattoo nito ang umano’y patunay sa pagkakakilanlan sa actor.

“Yung red ink sa left arm, confirmed that its’ Paolo [Contis], plus yong slippers na suot niya din same nung suot niya sa isang post niya na nakaupo sa motor,” komento ng isang Marites.

Habang sigurado ang mayorya sa comment section na si Paolo nga ang nasa video, kanya-kanya namang tukoy ang resident Marites and friends sa pagkakakilanlan ng babae sa video.

Kapansin-pansin ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ni Yen Santos sa mga comments, lead actress at co-star ni Paolo sa peikula nilang “A Far Away Land” na kamakailan ay lumabas sa isang streaming site.

“Obviously, it’s Yen,” lantarang paglalahad ng isang Marites.

“Hoi, yung sandals same dun sa post ni Yen sa Ig!” pagbabahagi naman ng isa pa sa nadiskubreng kapareho umanong suot ng babae sa video sa Instagram post ni Yen.

Larawan mula sa Instagram ni Yen Santos

Pagbabahagi ngTiktokuser, nitong Agosto 27 pa nakunan angviralvideo.

Matatandaan na, pumutok ngayong linggo ang isyu ng hiwalan sa pagitan ng celebrity couple na si Lj Reyes at Paolo Contis.

Kasunod na lumabassa Youtube channel ni Tito Boy Abunda si Lj para"protektahan ang mga bata"saisyu.

Bagamat hindi diretsahanginaminng aktres kung third party nga ang dahilan ng kanilang hiwalayan, kapansin-pansin ang limitado nitong pagdedetalye sa ilang pribadong impormasyon.

PANOURIN: Panayam ni Boy Abunda kay Lj Reyes ukol sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

Nasa New Yorkna ngayonsi Lj kasama angkanyang dalawanganak.

Nilarawan niyang “painful” ang nakalipas na tatlong buwan matapos malaman ang ilang “revelations” tungkol kay Paolo.