Hindi maiwasang kiligin ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang jowang si Ion Perez dahil sa bagong hairstyle nito; kamukha umano ito ng Hollywood star na si Channing Tatum, na siyang bida sa blockbuster sensual movie na 'Magic Mike.'

Sa latest vlog ni Vice, pauwi na siya mula sa taping ng community singing game show na 'Everybody, Sing.' On the way home, nag-text daw si Ion na bagong gupit siya, kaya naman na-excite si Vice na makita ang kaniyang jowa.

"First time kong makikita ang bagong haircut ni Ion, para makita ninyo ang aking initial, fresh reaction sa kaniyang buhok, halika na, let's find out," ani Vice Ganda sa kaniyang opening spiel sa vlog.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screenshot mula sa YT/Vice Ganda

Kaya nang masilayan niya ito, guwapong-guwapo si Vice kay Ion dahil kamukha nga raw nito ang hairstyle ni Channing Tatum. Bukod kasi sa gupit ay nagpakulay rito ito.

“O, na-inlove ka na naman?” biro ni Ion kay Vice. Isang matamis na ngiti lamang with tantalizing eyes ang itinugon ng comedian-actor-host.

Screenshot mula sa YT/Vice Ganda

Screenshot mula sa YT/Vice Ganda

Screenshot mula sa YT/Vice Ganda

Inamin nina Vice at Ion ang kanilang relasyon noong 2019 sa isang anniversary episode ng “It’s Showtime.” Tatlong taon na silang mag-jowa kaya ang tanong ng marami, kailan mauuwi sa kasalan ang dalawa? Kamakailan kasi, pinag-usapan ang isang video nila kung saan 'asawa' na ang tawag niya kay Ion.