Hindi makapaniwala ang sikat na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang 'Madam Inutz' na makakausap niya sa video call ang isa sa mga big stars ngayon ng Kapuso Network na si Sanya Lopez.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-usap ang dalawa via video call sa pamamagitan ni Wilbert Tolentino, ang talent manager ni Madam Inutz. Magkausap kasi sina Wilbert at Sanya, at biglang iniabot ni Wilbert ang cellphone kay Madam Inutz.

Screenshot mula sa YT/Daisy Lopez

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screenshot mula sa YT/Daisy Lopez

Screenshot mula sa YT/Daisy Lopez

Screenshot mula sa YT/Daisy Lopez

Kaya naman, sinamantala na ito ni Sanya para 'mamura' siya ni Madam Inutz, bagay na 'isang karangalan' para sa kaniyang mga followers. Kapag namura ka na raw ni Madam Inutz, ibang level ka na!

"Walang art-artista rito ah," birong banat ni Madam Inutz sabay mura kay Sanya, na tawang-tawa naman.

Hindi naman mapigilan ni Madam Inutz na magandahan kay Sanya at nagbiro pa na dalawang ligo ang lamang ng aktres sa kanya. Sinabi na rin ni Wilbert na magkakaroon silang dalawa ng collaboration na siguradong ikatutuwa ng kanilang mga taga hanga at tagasubaybay.

Mapapanood ito sa vlog ni Madam Inutz noong August 29, 2021. Mayroon na itong 628,610 views at 771k subsribers na rin, wala pang isang buwan simula nang magawa ito.

Si Sanya ay magkakaroon ng role bilang isang online live seller sa 'GMA Regal Studio Presents,' ang pinakabagong weekly drama anthology ng Kapuso Network at Regal Entertainment.

Ang mga artistang unang na-meet ni Madam Inutz nang personal ay ang komedyanteng sina Ethel Booba at Donita Nose.

Sa ngayon ay pinasok na rin ni Madam Inutz ang pag-vlog. Wala pang isang buwan, may 771k subscribers na kaagad siya.