Tila may hinahanap-hanap na si Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang sistema matapos makapareha ang aktor na si Marco Gumabao sa matagumpay na comeback movie niya na 'Revirginized' na idinerehe ni Darryl Yap.

Ani Mega, gustong-gusto at atat na atat na ulit siyang gumawa ng mga pelikula---kahit na siya na umano ang mag-produce, ayos lang sa kaniya. Naka-movie mode na umano siya.

"I am nowadays restless and impatient – because I JUST WANT TO MAKE MOVIE AFTER MOVIE AFTER MOVIE!!! I’m in movie mode now," pahayag ni Shawie.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sharon Cuneta gets emotional, misses young 'Tina' – Manila Bulletin
Sharon Cuneta (Larawan mula sa Manila Bulletin

Tila 'nasarapan' si Mega sa pagganap sa mga kakaibang roles na hindi niya nagawa noong kabataan at kasagsagan ng kaniyang showbiz career.

Bagama't usap-usapan ang pagkakaroon niya ng teleserye sa Kapamilya Network, mag nag-eenjoy umano ang Megastar sa paggawa ng pelikula.

“Now I am in my movie season and I CANNOT WAIT TO FILM BECAUSE NOT DOING SO IS DRIVING ME UP THE WALLS!!! Kahit ako na mag-produce!” mensahe ni Shawie.

Itinag pa niya sa kaniyang IG post ang ilang mga movie producers at kilalang direktor, at movie outfits gaya ng Viva Max at Viva Films, managing director na si Inang Olivia Lamasan, ng Star Cinema, executive ng Regal Entertainment na si Roselle Monteverde, at head ng Reality Entertainment na si Dondon Monteverde.

Ilan naman sa mga direktor na tinag ni Mega ay sina Joel Lamangan, Joey Reyes, Chito Roño, Chris Martinez, Mark Meily at Darryl Yap.