Tuluyan na ngang binasag ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng Kapuso actor na si Paolo Contis, sa entertainment vlog na 'The Interviewer' ni Boy Abunda, na umere nitong September 1, 2021, 6PM.

Dito ay idinetalye na ni LJ kung ano nga ba ang pinagdaraan nila ni Paolo, na humantong na nga sa tuluyang paghihiwalay. Nagsimulang umugong na hiwalay na ang dalawa dahil sa pag-unfollow ni Paolo kay LJ sa Instagram.

LJ Reyes at Paolo Contis (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ilang araw lamang, kinumpirma naman ng talent manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis na totoong hiwalay na ang kaniyang alaga kay LJ, at wala raw third party rito. Nakiusap din itong huwag idamay sa isyu ang aktres na si Yen Santos, na katambal ni Paolo sa pelikulang 'A Faraway Land.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/24/yen-santos-walang-kinalaman-sa-hiwalayang-paolo-lj-lolit-solis/">https://balita.net.ph/2021/08/24/yen-santos-walang-kinalaman-sa-hiwalayang-paolo-lj-lolit-solis/

Pag-amin ni LJ sa tell-all interview niya kay Boy, hindi umano 'mutual decision' ang kanilang paghihiwalay. Masasabi umanong mutual ang isang desisyon kung parehong nagkasundo ang dalawang partido sa isang usapan.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/01/lj-reyes-sa-hiwalayan-nila-ni-paolo-contis-it-was-painful/">https://balita.net.ph/2021/09/01/lj-reyes-sa-hiwalayan-nila-ni-paolo-contis-it-was-painful/

Nagsimula umano ang pagiging 'on the rocks' ng kanilang relasyon noong 2020. Sinubukan pa niya umanong isalba ito, subalit hindi na niya kinayang lumaban kung mag-isa lamang siya. Aniya, nagsasama man sila ni Paolo sa iisang buhay, matagal na niya umanong nararamdamang parang nakahiwalay na si Paolo sa kanila.

“Kasi matagal ko ng nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po yun. Pero honestly po, ako po yung nagsabi (na maghiwalay na kami). Parang nasa ibang mundo na po siya. At parang pakiramdam ko po, inaantay niya lang na manggaling sa akin," pahayag ng emosyunal na si LJ.

LJ Reyes (Screenshot mula sa YT/The Interviewer)

Napapansin umano niya na laging umaalis ng bahay si Paolo nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ay ngayon lamang niya nakitang ganoon ang partner. Marami umano itong excuses, o kaya naman ay iniiwasan na lamang ang kanilang kumbersasyon. Para kay LJ, ito ay traumatizing.

“Nahihirapan pa rin po akong isipin kung alin yung totoo. Alin yung hindi totoo. Paano nangyari yung mga bagay na nangyari. Paano ko po-protektahan yung mga anak ko,” makahulugang pahayag niya.

Diretsahang sinabi ni LJ na ayaw niyang makausap si Paolo upang alamin ang katotohanan kung bakit 'nanlamig' ito sa kaniya.

Matapos ng kanilang break up, tinanong pa niya ulit umano si Paolo kung gusto pa nitong bumalik at ayusin nila ang kanilang relasyon. Subalit tumanggi na umano ito.

“…na realize ko na parang hindi pwedeng ganito. May mga bata. Nagbaba po ako ng pride kahit alam kong ako po yung nasasaktan. Titiisin ko po yun para sa mga bata. Kasi inisip ko, baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya: ‘If you want to take us back?’ Pero hindi na daw," malungkot na pag-amin ni LJ.

LJ Reyes (Screenshot mula sa YT/The Interviewer)

Nakikipagbalikan umano siya kay Paolo para sa kanilang mga anak.

“Kung wala naman pong mga batang involved okay lang naman po. Hindi ko po ipipilit yung sarili ko. Ang sa akin lang din po, kung ayaw mo na, basta sana okay yung mga bata," aniya.

Sa mga nangyayari ngayon, hindi na umano siya umaasang magkakaayos at magkakabalikan pa sila bilang couple. Hindi umano madaling makalimutan ang mga nangyari.

“Hindi po. As much as I really want a complete family, yung mga nangyari po, hindi ko po kakayanin na maging malapit siya sa mga anak ko… Ganun po kasakit yung mga nangyari, ganun po kahirap. Hindi ko lang po masabi on air, in public kung ano yung mga yun, pero hindi po kakayanin ng pusong nanay ko na ibalik siya sa buhay ng mga bata. Hindi po madaling kalimutan. Alam kong kailangan ko pong magpatawad pero hindi po madaling kalimutan. At hindi siya dapat kalimutan, Tito Boy," matapang na sagot ni LJ.

Sa pag-urirat naman ni Boy kung third party o problema sa pera ang talagang pinag-ugatan ng hiwalayan: “I think po marami pong makakasagot niyan, kahit hindi po ako sumagot… Basta, priority ko po, yung welfare ng mga bata.”

Hindi pa masabi ni LJ kung maninirahan na ba sila nang tuluyan ng mga anak niya sa New York.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Paolo Contis hinggil sa isyung ito.