Pinusuan ng mga netizens ang Facebook post ng sikat na online seller na si Daisy Lopez o 'Madam Inutz' na nagpapakita ng larawan nila ng kaniyang inang bedridden.

May be an image of 2 people and indoor
Larawan mula sa FB/Daisy Lopez/Madam Inutz

May be an image of 2 people and indoor
Larawan mula sa FB/Daisy Lopez/Madam Inutz

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sumikat si Madam Inutz bilang isang online seller na walang miners at puro mga nakatambay at nanonood lamang sa kaniya, dahil sa kuwelang paraan niya ng pagtitinda ng mga ukay-ukay na damit.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/">https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/

Madalas niyang binabanggit sa kaniyang mga live online selling na kailangan niya ng 'pang-chicha' at pambili ng gamot at diapers ng kaniyang inang may sakit, na ilang taon na ring bedridden dahil nga sa stroke.

Mas minahal ng mga netizens si Madam Inutz nang ipakilala niya ang kaniyang ina habang nakahiga ito, tila nagsusumbong siya rito na, hinggil sa mga taong inirereport ang kaniyang official Facebook page, dahilan upang hindi siya makapag-live selling. May ilan kasing hindi nagugustuhan ang kaniyang walang habas na pagmumura at paraan niya ng pagtitinda.

Larawan mula sa FB/Daisy Lopez/Madam Inutz

Ang kaniyang ina rin ang dahilan kung bakit nilapitan siya ng YouTuber at talent manager na si Wilbert Tolentino, inabutan siya ng tulong-pinansyal para sa therapy ng ina, at inalok siyang i-manage upang lahat ng kikitain niya ay mapupunta sa pagpapagamot sa kaniyang ina.

Sa panayam naman ni Ogie kay Madam Inutz sa kaniyang vlog, sinabi ni Madam Inutz na idolo niya ang kaniyang ina. Noong malakas pa ito at maliliit pa sila, hindi umano ito nangutang sa ibang tao para may maipakain sa kanila. Madiskarte umano ang kanilang ina.

At ngayong siya naman ang may kakayahan, habambuhay umano siyang magsisikap para maibalik ang utang na loob at pagmamahal sa inang nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman.

Narito ang ilan sa mga makabagbag-damdaming mensahe ng mga netizens para kay Madam Inutz.

"You're such a good daughter, a mother and a good provider to your siblings, Madam Inutz! I salute you! God bless!" wika ng isa.

"Proud of you madam. Keep loving your mother as much as you love our creator. Lahat ng bagay sa mundo may kapalit pero ang magulang nag-iisa. Saludo ako sa'yo. Palagi kang tumingala sa langit para tuloy-tuloy ang bagsak ng biyaya," saad ng isa.

"Wala ako masabi sa iyo kung hindi isa kang mabuting anak at mabuting ina sa mga anak mo. Ewan, palamura ka at hindi naman perpekto, pero ang bait-bait ng tingin ko sa iyo. Iba ang karisma mo, madam. Sabi nga, don't judge a book by its cover. Isa kang magandang halimbawa niyan. More blessings to come at stay safe," pahayag naman ng isa.

MADAM INUTZ INTRO - YouTube
Screenshot mula sa YT/Daisy Lopez

Sa ngayon ay may YouTube channel na si Madam Inutz na may 771k subscribers na.